Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 128,808,498 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 31,097,154 cases.
Sumunod na rito ang Brazil na may 12,664,058 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 12,149,335 naman ang kaso sa India habang 4,585,385 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 4,536,820
– United Kingdom – 4,341,736
– Italy – 3,561,012
– Turkey – 3,277,880
– Spain – 3,275,819
– Germany – 2,809,510
– Colombia – 2,397,731
– Argentina – 2,332,765
– Poland – 2,288,826
– Mexico – 2,232,910
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,816,038 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 103,943,736 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.