Hindi na kinaya ng US ang madudugong kilos-protesta sa Myanmar kaya’t ipinag-utos na ang pagpapalayas sa mga ‘non-essential diplomats’ sa Amerika.
Sa inilabas na pahayag ng US State Department, sinabi na inaasahan na magpapatuloy ang mga kilos-protesta sa Myanmar laban sa pamumuno ng ilang opisyal ng militar.
Hindi rin ikinatuwa ng US ang pag-aresto at pagpapakulong sa mga sibilyang namumuno sa Myanmar sa pangunguna ni Aung San Suu Kyi.
Matapos ang kudeta ng militar, nagkasa ng mga kilos-protesta ang mga mamamayan at humigit kumulang 500 na ang napapatay.
Ilang bansa na rin ang nagpahayag ng kanilang pagkondena sa pagpatay ng awtoridad sa mga nagpo-protesta.
Samantala, sinabi naman ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., na hindi maaring sumawsaw ang ibang miyembro ng ASEAN, kasama na ang Pilipinas, sa nagaganap sa Myanmar sa katuwiran na ang nangyayari ay ‘internal affairs.’