Dagdag na pondo ihihirit ng Malakanyang sa Kongreso sakaling mapalawig ang ECQ sa NCR bubble

By Chona Yu March 31, 2021 - 11:47 AM

Photo grab from PCOO Facebook live

Magpapasaklolo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso para sa karagdagang pondo sakaling mapalawig ang enhanced community quarantine sa National Capital Region at mga kalapit na probinsya.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring idaan ito sa pamamagitan ng pagsusulong ng Bayanihan III.

Pero ayon kay Roque, masyadong maaga pa para isulong ang Bayanihan III dahil kailangang tingnan muna kung bababa o tataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga susunod na araw.

“Well, we can always ask Congress for supplemental budget in the form perhaps of a Bayanihan III. Pero that’s premature. Dahil ang tingin ko naman po, coupled with iyong mask, hugas, iwas, tingin ko naman po itong one week bubble and one week ECQ will give the necessary breathing space para sa ating mga hospital,” pahayag ni Roque.

Sa ngayon aniya, 50-50 ang tsansa na mapalawig ang ECQ.

TAGS: COVID-19, ECQ, NCR plus, Pangulong Duterte, Sec. Harry Roque, COVID-19, ECQ, NCR plus, Pangulong Duterte, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.