Pagsusuri ng mga laboratoryo sa mga sample para sa COVID-19 hindi apektado ng Holy Week

Photo grab from DOH Facebook video

Tiniyak ng Department of Health na hindi maapektuhan ang monitoring sa mga tinatamaan ng COVID-19 ngayong Holy Week.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergerie, nagpalabas na sila ng memorandum sa kanilang mga regional offices.

Nakasaad anya dito na dapat tiyakin na tuloy ang operasyon ng mga laboratory ngayong mahal na araw.

Nakiusap din ang DOH sa lahat ng mga laboratory na nagsasagawa ng COVID-19 test na huwag magsara ngayong holiday dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kailangan anyang bukas ang mga laboratory upang tuloy-tuloy ang pagsusuri na mga dumarating na sample o specimen.

Noong holiday season dahil sa Pasko at Bagong Taon bumaba ang mga nasuring specimen para sa COVID-19 dahil sa pagsasara ng mga laboratory.

Read more...