Pagbuo ng special team para matiyak na hindi magkakaroon ng delay sa pagbili ng bakuna ang pribadong sector iginiit
Ikinalugod ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag pahirapan ang pagbili ng bakuna konra sa COVID-19 ng nasa pribadong sector.
Ayon kay Ong, “This instruction by the president for the National Task Force Against Covid-19 (NTF) to sign any and all documents that has something to do with private sector procurement must be carried out without delay.”
Iginiit din nito na upang maging maayos ang pagpapatupad ng atas ng pangulo kailangang bumuo ang National Task Force ng isang special team na mangangasiwa upang matiyak ang mabilis na pagkuha ng bakuna ng mga pribadong kumpanya.
Gayunman, kailangan any ana masunod pa rin ang itinatadhana ng Republic Act 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.
Saad ni Ong, “Under RA 11525, the private sector can only procure their own vaccines if they enter into a tripartite agreement with the NTF and the vaccine supplier.”
Dapat anyang ihinto ng NTF ang kanilang kagustuhan na makontrol ang pagbili at pamamahagi ng bakuna laban sa COVID-19 ngayong nagsalita na ang pangulo.
Giit ni Ong, “Isantabi po muna sana natin ang mga pansariling agenda at isipin muna natin ang kapakanan ng mas nakakarami.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.