MMC hinihintay pa ang datos ng DOH para pag-isipan ang ECQ extension
Hihintayin muna ng Metro Manila Council ang datos mula sa Department of Health bago pag-usapan ng 17 alkalde ng NCR ang rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin pa ang pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, dapat mapag-aralan muna ng mga bumubuo sa Metro Manila Council ang naging epekto naman ng ECQ sa dami ng pagkakahawa-hawa ng sakit base sa ibabahaging impormasyon ng DOH.
“Pero alam naman natin ang incubation ng virus ay 14 days, hihintayin natin yung data para malaman po natin ano irerekomenda sa IATF,” sabi ng namumuno sa MMC.
Muli sinabi niya na kailangan balansehin ng IATF ang pagpigil sa pagkalat ng sakit at ang pagbangon ng ekonomiya.
Ang Malakanyang una nang inihayag na maari pa rin ikunsidera na palawigin ang ECQ sa NCR Plus bubble sa pagtatapos nito sa darating na Linggo, Abril 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.