Humihirit pa si Pangulong Rodrigo Duterte na magtarahabo sa Huwebes Santo.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nais kasi ng pangulo na magkaroon pa ng Talk to the People bukas.
Pero ayon kay Roque, pinayuhan niya ang pangulo na huwag nang ituloy ang plano dahil mayroon namang pagpupulong ang Inter-Agency Task Force sa Sabado de Gloria, Abril 3.
Bukod pa aniya dito na kahit wala namang pandemya ay karaniwan ng sarado talaga ang Maundy Thursday at Good Friday.
Gayunman, maghihintay pa rin aniya sila ng anumang pasiya hinggil sa kung papayag ang Pangulo na sa Lunes na lang magsagawa ng Talk to the People at huwag na bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.