Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, huling namataan sa layong 180kms Timog-Kanluran ng General Santos City.
Sabi ng PAGASA, nagdadala na ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao habang ang extension naman ng LPA ay nagpapaulan sa Visayas region.
Magiging mabagal ang pagkilos nito sa loob ng tatlong araw at posibleng tawirin Zamboanga Peninsula, Sulu archipelago patungo sa Sulu Sea.
Mababa naman ang tsansa nito na maging isang bagyo.
Gayuman, umiiral pa rin ang easterlies o ang maalinsangang hangin na nagmumula sa Pacific Ocean.
Nakaaapekto naman ito sa Luzon at ilang bahagi pa ng Visayas.
Asahan naman sabi ng PAGASA ang maaliwalas na panahon sa Luzon.
Ang araw ay sumikat 5:53 ng umaga at lulubong 6:08 ng gabi.