Pangalan ng mga nasawing sundalo sa Basilan, hindi pa inilalabas ng AFP

By Ruel Perez April 11, 2016 - 01:17 PM

Inquirer Photo / Julie M. Aurelio
Inquirer Photo / Julie M. Aurelio

Ramdam pa rin ang pagdadalamhati sa hanay ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng pagkamatay ng 18 sundalo na nakipagbakbakan sa mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Tipo-tipo, Basilan.

Sa flag-raising ceremony kanina sa Camp Aguinaldo, isinama sa pananalangin ng mga uniformed at non-uniformed personnel ng AFP ang mga namayapang kawal.

Samantala, ayon naman kay AFP Public Affairs Office Chief Col .Noel Detoyato, sa oras na maimpormahan na ang lahat ng mga kaanak, maaari na aniya nilang isapubliko ang lahat ng pangalan ng mga nasawi at nasugatan sa bakbakan.

Kinumpirma rin ni Detoyato na lahat ng mga nasawing sundalo ay mga taga-Mindanao at pawang mga miyembro ng Philippine Army.

Kasabay nito, inilagay na rin sa half-mast ang watawat sa harap ng gusali ng national headquarters ng AFP, at maging sa iba pang tanggapan bilang pagpapakita ng pagluluksa sa kamatayan ng mga sundalo sa Tipo-Tipo, Basilan.

Samantala, matapos ang naganap noong Sabado, ipinag-utos ni AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri ang ‘nonstop operations’ laban sa Abu Sayyaf.

Maliban sa 18 na nasawi, mayroon pang 56 na nasugatan sa nasabing engkwentro.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.