Bilang ng nabakunahan sa Maynila, lagpas 22,000 na
Tuluy-tuloy pa rin ang COVID-19 vaccination drive sa Lungsod ng Maynila.
Base sa huling tala hanggang March 30, 2021, umabot na sa 22,340 frontline workers, senior citizens at indibiduwal na comorbidities o pre-existing medical conditions ang naturukan na bakuna laban sa nakakahawang sakit.
Sa araw ng Martes, March 30, nasa 4,531 ang bagong nabakunahan habang 4,665 bagong bakuna ang nai-deploy.
Nasa 4,031 senior citizens (Priority Group A2) ang nabigyan ng unang dose ng AstraZeneca; 320 indibiduwal na may comorbidities na edad 18-anyos hanggang 59-anyos (Priority Group A3) ang naturukan din ng unang dose ng Sinovac; at 131 ang nabigyan ng second dose para sa medical frontliners (Priority Group A1).
Hinihikayat pa rin ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga indibidwal na kabilang sa priority sectors na magpabakuna na.
Malaki aniya ang maibibigay nitong dagdag na proteksyon sa sarili at komunidad.
Samantala, narito naman ang schedule at lugar kung saan maaaring magpabakuna ang mga taong may comorbidity sa Miyerkules, March 31:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.