1,640 seniors, may medical conditions sa Pasay City target mabakunahan ngayong linggo
Binabalak ng pamahalaang-lungsod ng Pasay na mabakunahan ang kabuuang 1,640 senior citizens, kabilang na ang mga indibiduwal na may medical conditions, bago matapos ang Semana Santa.
Sinabi ni Mayor Emi Calixto – Rubiano na ang mass vaccination ay isasagawa sa apat na vaccination centers, Andres Bonifacio Elem. School, Corazon High School, Pasay City West High School at Timoteo Paez Elem. School.
Aniya, ang mga senior ay tuturukan ng AstraZeneca vaccine, samantalang ang mga may medical condition at ang iba pang medical frontliners ay babakunahan ng Sinovac.
Sa abiso naman ng Public Information Office ng Pasay LGU sa kanilang social media account, ang comorbidities ay kinakailangang magsumite ng medical certificate, reseta ng kanilang maintenance medicines, at hospital records.
Ito ay para hindi magkalituhan para sa mga dapat maunang bakunahan, bukod sa mga nakakatanda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.