Ellen Adarna, Derek Ramsay engaged na

By Angellic Jordan March 30, 2021 - 08:55 PM
Photo credit: @maria.elena.adarna/Instagram

Engaged na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Inanunsiyo ni Ellen ang kanilang engagement ni Derek sa pammagitan ng kanyang Instagram post.

Ibinahagi ni Ellen sa IG post ang ilang larawan sa proposal,  kasama ang pagsuot nito ng engagement ring.

Photo credit: @maria.elena.adarna/Instagram

Mayroon ding larawan kung saan makikitang naiyak at nagulat siya nang makita ang “Will you marry me?” neon sign.

“Game over,” saad sa post ng aktres.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga kaibigan at malapit sa buhay nina Ellen at Derek.

Photo credit: @maria.elena.adarna/Instagram

Nito lamang Pebrero kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon.

Unang umugong ang kanilang relasyon nang makitang magkasama sila sa isang dinner party noong Enero.

Photo credit: @maria.elena.adarna/Instagram

TAGS: Derek Ramsey, Derek Ramsey engagement, Ellen Adarna Derek Ramsey, Ellen Adarna engagement ring, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Derek Ramsey, Derek Ramsey engagement, Ellen Adarna Derek Ramsey, Ellen Adarna engagement ring, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.