Kwestyunable ang naglalabasang survey ng iba’t ibang survey firms.
Ayon kay Vice President Jejomar Binay, dati ay naniniwala pa siya sa mga survey pero ngayon halata aniyang may manipulasyon na sa mga survey. “Kahit ano pa man, for whaetver it (surveys) may serve, ayoko nang basahin, grabe ang spin eh,” sinabi ni Binay.
Sa huli, matapos ang eleksyon, sinabi ni Binay na doon aniya makikita ang totoong survey result at totoong pasya ng taumbayan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, kumpiyansa ring sinabi ni Binay na alam niyang siya ay mananalo. “I know that I’m going to win,” ayon kay Binay.
Paliwanag ng bise presidente, sa lahat ng kandidato sa pagka-Pangulo, siya lang ang tunay na dumanas ng kahirapan.
“Ako lang sa mga kandidato ang tunay na dumanas ng kahirapan. Marunong ako mamalengke, marunong ako maglaba,” dagdag pa ni Binay.
Ayon kay Binay, tuloy-tuloy ang gagawin niyang pagpapaliwanag sa publiko ng kaniyang mga programa.
Naniniwala din ang bise presidente na ngayong mas lalo pang magiging mainit ang kampanyahan na si LP bet Mar Roxas ang kaniyang makakaharap.
Desidido kasi aniya ang kampo ni Roxas at napakalaki ng ginagastos nito sa kampanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
