Yellow rainfall warning nakataas sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte

By Angellic Jordan March 30, 2021 - 07:07 PM

Nakataas ang heavy rainfall warning sa dalawang lalawigan sa bansa.

Sa abiso ng PAGASA bandang 6:40 ng gabi, ito ay bunsod ng umiiral na trough ng low pressure area (LPA).

Nakataas ang yellow rainfall warning sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte (Salug, Godod, Liloy, Tampilisan, Labason, Kalawit, Gutalac, Baliguian, Siocon, Sirawai).

Dahil dito, posibleng makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mabubundok na lugar.

Mahina at katamtaman na kung minsan ay malakas na hangin ang iiral sa Zamboanga del Sur (Bayog, Kumalarang, Lakewood, Margosatubig, San Pablo, Tabina), Basilan, Zamboanga City, Sultan Kudarat (Lebak, Kalamansig), Maguindanao (Datu Blah Sinsuat), Sulu, Lanao del Norte (Bacolod, Maigo, Tangcal), DinagatIs at mga karatig-bayan.

Inabisuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat at maging alerto sa lagay ng panahon.

TAGS: Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Trough of LPA, weather update March 30, yellow rainfall warning, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Trough of LPA, weather update March 30, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.