Pangulong Duterte, nais magpatayo ng Vaccine Institute
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtayo ng Vaccine Institute.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito sana ang nais ni Pangulong Duterte na iwanang legasiya bago bumaba sa puwesto sa 2022.
Ayon kay Roque, nais ng Pangulo na maglaan ng pondo ang Department of Budget and Managemen para sa Vaccine Institute.
Sa ganitong paraan aniya, makagagawa ang Pilipinas ng sariling bakuna at hindi na aasa sa pag-aangkat sa ibang bansa.
Una nang inamin ni Pangulong Duterte na nahirapan ang Pilipinas sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 dahil sa kakapusan ng suplay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.