Aminado si vaccine czar Carlito Galvez Jr. na naantala ang pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Marso 24, nakatakdang dumating sa bansa ang halos isang milyong doses ng bakuna na gawa ng AstraZeneca.
Ayon kay Galvez, nagkaroon ng restrictions o constraint o paghihigpit sa global logistics.
Naging prayoridad aniya ng mga bansang gumagawa ng bakuna na unahin munang mabakunahan ang kanilang mga mamamayan kung kaya hindi pa makapag-deliver sa ibang bansa.
Gayunpaman, sinabi ni Galvez na pinanghahawakan pa rin nila ang commitment ng COVAX facility at World Health Organization na makapagde-deliver sa bansa sa Abril ang AstraZeneca.
Bukod dito, mayroon din aniyang inaasahang delivery na 2.6 milyong doses sa Mayo mula sa procurement o mga binili ng pribadong sektor.