Mga nabakunahan ng COVID-19 vaccine, nasa 700,000 pa lamang
Hindi pa umaabot sa isang milyong Filipino ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine.
Ito ang iniulat ni Health Usec. Myrna Cabotaje sa pagdinig ng House Committee on Health.
Aniya, sa ngayon ay nasa mahigit 700,000 Filipino pa lamang ang nabakunahan.
Sinabi ni Cabotaje na kabuuang 702,362 ang nabigyan ng Sinovac at AstraZeneca na pawang healthcare workers at senior citizens na napapabilang sa Priority Group A.
Sa naturang bilang, 698,353 health workers, kung saan 272,430 sa mga ito ay tinurukan ng bakunang gawa ng Sinovac at 425,923 naman ang ginamitan ng AstraZeneca.
Aabot naman sa 4,009 ang bilang ng senior citizens na naturukan ng COVID-19 vaccines, na pawang mula sa National Capital Region.
Sinabi ni Cabotaje na 272,430 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng Sinovac habang 425,923 naman ang ginamitan ng AstraZeneca.
Hanggang 6:00, Martes ng umaga (March 30), mahigit 1.1 milyong COVID-19 vaccines pa ang natitira sa imbentaryo ng DOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.