Rehabilitation activities sa MRT-3, sinimulan na
Sinimulan na ang pagsasagawa ng maintenance and rehabilitation activities sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Sa gitna ito ng pagpapairal ng Holy Week shutdown hanggang April 4, 2021.
Kasama sa mga aktibidad na gagawin ay ang pagpapalit ngturnouts, paglalagay ng mga bagong point machine at bagong insulation sleeves ng overhead catenary system (OCS).
Isinasagawa na rin ang exterior cleaning at overhauling ng mga light rail vehicles ng nasabing linya ng tren.
Katuwang sa maintenance at repair works ang maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.
Kasabay ng tigil-operasyon, nagtalaga ng mga bus sa ilalim ng EDSA Carousel Bus Augmentation upang matulungan ang mga commuter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.