Bilang ng nabakunahang health workers sa QC, lagpas 18,000 na

Patuloy ang pag-arangkada ng COVID-19 vaccination program sa Quezon City.

Base sa datos hanggang Lunes, March 29, umabot na sa 18,411 ang nabakunahang healthcare workers sa lungsod mula noong nakaraang linggo.

Kabilang dito ang 1,100 QCGH healhcare workers, 6,815 na Level 1 at Level 2 public at private hospital frontliners.

Narito naman ang bilang ng frontliner na naturukan ng COVID-19 vaccine anim na distrito sa QC:
District 1 – 2,051
District 2 – 1,357
District 3 – 2,117
District 4 – 2,362
District 5 – 1,301
District 6 – 1,308

Narito naman ang itinalagang vaccination sites sa lungsod:
District 1: Esteban Abada Elementary School
District 2: Batasan Hills National High School
District 3: Emilio Aguinaldo Elementary School
District 4: Pinyahan Elementary School
District 5: Brgy Kaligayahan Activity Center
District 6: Placido del Mundo Elementary School

Read more...