Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,804,662 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 563,206.
Sumunod na rito ang Brazil na may 314,268 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 201,826 naman ang death toll sa Mexico habang 162,147 ang napaulat na nasawi sa India.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 126,615
– Italy – 108,350
– Russia – 98,033
– France – 94,956
– Germany – 76,599
– Spain – 75,199
– Colombia – 63,079
– Iran – 62,478
– Argentina – 55,611
– South Africa – 52,710
– Peru – 51,932
– Poland – 51,635
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 128,253,280 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 103,465,895 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.