Pagpapalawig ng ECQ sa NCR at mga kalapit na lugar, last resort ayon sa Palasyo
Last resort na para sa Palasyo ng Malakanyang kung palalawigin ang enhanced community quarantine na umiiral ngayon sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magpupulong pa ang Inter Agency Task Force sa Sabado, Abril 3 para pag-usapan kung palalawigin o hindi ang ECQ.
Umiiral ngayon ang ECQ sa mga nabanggit na lugar hanggang sa Abril 4.
Ipinagbabawal sa mga lugar na ECQ ang mga non-essential trips at pagbubukas ng mga non-essential services at businesses.
Ayon kay Roque, umaasa ang Palasyo na hindi na palalawigin pa ang ECQ kung maayos lamang na nasusunod ang mga health protocols laban sa COVID-19, pagpapaigtingg sa testing at isolation at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.