Mga walang trabaho noong February 2021, umakyat sa 4.2 milyong Filipino

By Erwin Aguilon March 30, 2021 - 09:59 AM

 

Lumobo pa ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong February 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority. Sinabi ni National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, base sa isinagawang Labor Force Survey,  umakyat ito ng 4.2 milyon o 8.8 percent na mas mataas sa 4 na milyon o 8.7 percent naitala noong nakalipas na buwan ng Enero. Tumaas naman ng 1.9 percent ang mga mayroong trabaho o negosyo noong buwan ng Pebrero na umakyat sa 43.2 milyon mula sa 41.2 milyon noong Enero 2021. Ang underemployed naman noong Pebrero ng 2021 ay tumaas sa 7.9 milyon kumpara sa 6.2 milyon noong Enero. Sabi ni Mapa, sa mga pangunahing sektor, ang services sector pa rin ang nanatiling may pinakamalaking bahagi ng populasyon na may trabaho o negosyo na nasa 58.4 percent na sinundan ng sector ng agrikultura na nasa 23.9 percent. Ang nature ng trabaho, pagbaba ng mga kliyente at mga trabaho gayundin ang pagpapatuloy na COVID-19 pandemic ang pangunahing dahilan pa rin kung bakit hindi nakapagtrabaho at nakapagnegosyo ang mga Filipino noong buwan ng Pebrero.

TAGS: National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, Philippine Statistics Authority, walang trabaho, National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, Philippine Statistics Authority, walang trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.