Mag-ama at hindi rebelde ang natagpuang dalawang bangkay sa Camarines Norte – NPA

March 30, 2021 - 09:18 AM

(Contributed photo)

Pinabulaanan ng New People’s Army ang pahayag ng awtoridad na rebelde ang dalawang lalaking natagpuang patay sa Labo, Camarines Norte noong nakaraang linggo.

Ayon kay Ka Raymundo Buenfuerza, ang tagapagsalita ng Romulo Jallores Command – Bikol, ang dalawa ay ang mag-amang Jetly at Louis Buenavente.

Aniya basag ang mukha ng mag-ama at kapwa may mga tama ng bala sa dibdib.

Diin ni Buenfuerza ang mag-ama ay pinatay ng puwersa ng gobyerno at sila ang pang-16 at pang-17 na pinaslang sa rehiyon simula noong Enero.

“Lampas kalahati na ito bilang ng kanilang madugong rekord noong nakaraang taon, kung saan umabot sa 38 ang pinaslang at minasaker ng berdugong hukbo,” ang sabi pa ni Buenfuerza.

Una nang inihayag ni Police Col. Julius Guadamor, director ng Camarines Norte Police, na rebelde ang dalawang napatay at nakuha pa sa kanila ang ilang personal na gamit ng mga napatay at nasugatang pulis na tinambangan ng NPA sa Barangay Dumagmang sa naturang bayan.

TAGS: Camarines Norte, Jetly Buenavente, labo, Louis Buenavente, new people's army, Police Col. Julius Guadamor, Raymundo Buenfuerza, Romulo Jallores Command – Bikol, Camarines Norte, Jetly Buenavente, labo, Louis Buenavente, new people's army, Police Col. Julius Guadamor, Raymundo Buenfuerza, Romulo Jallores Command – Bikol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.