Duterte, inatasan si Galvez na pirmahan ang mga dokumento para makapag-import ng COVID-19 vaccines ang private sector

Photo grab from PCOO Facebook video

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na pirmahan ang mga dokumento upang payagang makapag-import ang mga pribadong sektor ng bakuna laban sa COVID-19.

Inihayag ito ng Pangulo sa kaniyang public address, Lunes ng gabi (March 31).

“I have ordered Secretary Galvez to sign any and all documents that would allow the private sector to import at will,” saad ng Punong Ehekutibo.

Marami aniyang negosyante ang gusto nang bumili ng bakuna para sa kani-kanilang empleyado.

Paliwanag ng Pangulo, “So that the economy can be opened. ‘Yung mga factories nila, walang trabahante because maraming restrictions sa mobility ng tao.”

Okay aniya sa kanya kahit gaano karami ang bilhin ng pribadong sektor.

Lunes ng hapon, March 29, dumating ang binili ng gobyerno na usang milyong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac.

Read more...