Quirino Province at Santiago City, Isabela isasailalim sa MECQ sa Abril
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipatutupad na quarantine classifications sa ilang lugar sa Pilipinas.
Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa public address, Lunes ng gabi (March 29), sinabi ng Pangulo na epektibo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Reigon, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang April 4.
Isasailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Quirino Province simula April 1 habang 15.
Magiging epektibo rin ang MECQ sa City of Santiago, Isabela sa buong buwan ng Abril.
Samantala, hanggang April 30, ipatutupad ang General Community Quarantine (GCQ) sa
buong Cordillera Administrative Region (CAR); Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Batangas sa Luzon; Tacloban City sa Visayas; Iligan City, Davao City at Lanao del Sur sa Mindanao.
Ilalagay naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang nalalabing bahagi ng bansa epektibo sa buong Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.