Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno na sisimulan nang bigyan ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga residente ng lungsod na may comorbidity o may pre-existing medical condition.
Ayon sa alkalde, sisimulan ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa mga may edad 18 hanggang 59 na may comorbidity sa lungsod sa araw ng Miyerkules, March 31.
Ilalaan aniya rito ang mga bagong natanggap na batch ng Sinovac vaccine.
Antabayanan aniya kung saang mga lugar gagawin ang vaccination drive.
Samantala, narito ang listahan ng vaccination site kada distrito kung saan maaaring magpaturok ng COVID-19 ang mga senior citizen:
MOST READ
LATEST STORIES