Pasok sa lahat ng korte sa Miyerkules Santo (March 31), half-day lang – SC
Half-day lang ang pasok sa lahat ng korte sa bansa sa Miyerkules Santo, March 31, 2021.
Ayon sa Supreme Court, alinsunod ito sa SC-approved Calendar for 2021, A.M. No. 19-11-20-SC.
Layon nitong mabigyan ng sapat na oras ang mga empleyado ng korte na makapaghanda sa Semana Santa mula April 1, Maundy Thursday, hanggang April 4, Easter Sunday.
Nauna nang inanunsiyo ang pagpapalawig sa pagsasara ng mga korte sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal hanggang March 31 at buong kasagsagan ng Semana Santa.
Kasunod ito ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa nasabing mga lugar.
Tanging ang mga urgent matter lamang ang papayagan sa nasabing petsa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.