Mayor Joy Belmonte, muling tinamaan ng COVID-19

By Angellic Jordan March 29, 2021 - 07:28 PM

Muling nagpositibo sa COVID-19 si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

“Walong buwan mula nang ako ay unang mag-positive sa COVID-19, ikinalulungkot kong ibahagi sa inyo na ako ay nag-positive muli sa virus,” pahayag ng alkalde.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Belmonte na hindi malala ang kaniyang nararamdamang sintomas ng nakakahawang sakit.

Patuloy pa rin aniya niyang ginagampanan ang kaniyang tungkulin bilang mayor ng Quezon City habang naka-quarantine sa Hope Community Care Facility sa lungsod.

“Sa kabila ng matinding pag-iingat at paggaling mula sa virus noong nakaraang taon, ako ay nag-positive pa rin,” saad ni Belmonte at aniya pa, “Ito ay mahalagang tanda na hindi tayo maaaring maging kampante kailanman pagdating sa sakit na ito.”

TAGS: Inquirer News, joy Belmonte COVID-19 positive, Mayor Joy Belmonte, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news, Inquirer News, joy Belmonte COVID-19 positive, Mayor Joy Belmonte, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.