May binabantayang low pressure area (LPA) ang PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, huling namataan ang LPA sa layong 395 kilometers Timog-Silangan ng General Santos City bandang 3:00 ng hapon.
Mababa aniya ang tsansa na maging bagyo.
Posible naman aniyang pumasok ng teritoryo ng bansa ang sama ng panahon.
Ani Rojas, ang trough ng LPA ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahaging Timog ng Mindanao, partikular sa Davao region at SOCCSKSARGEN.
Samantala, Easterlies pa rin o mainit na hangin galing sa Pacific Ocean ang umiiral sa malaking bahagi ng bansa.
Dahil dito, asahan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon sa Luzon, Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao.