Dumating na sa Pilipinas ang isang milyon pang doses ng CoronaVac, COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac, Lunes ng hapon (March 29).
Lulan ang mga bakuna ng aircraft ng Philippine Airlines (PAL).
Sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng mga bakuna sa Villamor Airbase.
Kasama ng Pangulo sina Health Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., Senator Christopher “Bong” Go at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ito ang unang batch ng COVID-19 vaccine na binili ng bansa sa Sinovac Biotech Ltd.
Nagkakahalaga ang isang milyong doses ng CoronaVac ng P700 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.