Cayetano at Leni, wagi sa debate ayon sa INQUIRER.net poll

By Kathleen Betina Aenlle April 11, 2016 - 04:53 AM

 

INQVPDEBATESSina Sen. Alan Peter Cayetano at Rep. Leni Robredo ang nanalo sa kauna-unahan at natatanging vice presidential debate na ginanap Linggo ng hapon sa University of Santo Tomas.

Ito ang lumabas sa resulta ng poll ng INQUIRER.net sa kanilang website at Facebook page na sinagutan ng readers at netizens, kung saan nanguna tinanong kung sino para sa kanila ang nag-wagi sa debateng ito.

Nakuha ni Robredo ng Liberal Party ang 42.58 percent ng kabuuang bilang ng mga bumoto sa poll o 4,511 points mula sa poll ng INQUIRER.net sa website.

Nakabuntot sa kaniya sina Senators Chiz Escudero na may 25.45 percent ng votes, Cayetano sa 18.46 percent, Bongbong Marcos Jr. sa 12.02 percent, Sonny Trillanes 1.01 percent at Gringo Honasan na 0.48 percent.

Samantala, sa Facebook poll naman ay si Cayetano ang nanguna na nakakuha ng 44 percent ng kabuuang botong natanggap sa survey.

Sunod sa kaniya si Marcos sa 28 percent, Robredo sa 23 percent, Escudero sa three percent at nasa huli naman sina Trillanes at Honasan. Tumagal ang debateng pinangasiwaan ng CNN Philippines at Business Mirror ng tatlong oras, at sumentro sa iba’t ibang isyu sa bayan tulad ng political dynasties, human rights at iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.