Isasailalim ang Tuguegarao City sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng 10 araw.
Ayon sa Tuguegarao City Information Office, epektibo ang ECQ simula 12:01, Martes ng madaling-araw (March 30), hanggang 12:00 ng April 8, 2021.
Base ito sa naging rekomendasyon ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao na aprubado ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF).
Ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.