BREAKING: Pilipinas, nakapagtala ng higit 10,000 bagong kaso ng COVID-19; Aktibong kaso, higit 115,000
Pumalo sa 10,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (March 29), pumalo na sa 731,894 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 115,495 o 15.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 10,016 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang pinakamataas na naitalang kaso ng nakamamatay na sakit sa Pilipinas sa loob ng isang araw.
95.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.4 porsyento ang asymptomatic; 0.41 porsyento ang moderate; 0.7 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 16 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 13,186 o 1.80 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 78 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 603,213 o 82.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.