Bilang ng senior citizens at dialysis patients na nabakunahan sa Maynila, higit 2,500 na
Patuloy ang COVID-19 vaccination program sa Lungsod ng Maynila.
Sa huling tala hanggang 12:25 ng tanghali, umabot na sa 2,557 ang kabuuang bilang ng senior citizens at dialysis patients ang nabakunahan na kontra sa nakakahawang sakit sa lungsod.
Nabigyan ng AstraZeneca vaccine ang 1,248 senior citizen at 32 dialysis patients sa araw ng Lunes, March 29.
Kabilang dito ang mga dialysis patient ng Flora V. Valisno De Siojo Dialysis Center – Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMMC).
Patuloy namang hinihikayat ni Mayor Isko Moreno ang publiko na magpabakuna upang magkaroon ng dagdag na proteksyon para sa bawat isa at sa mga komunidad na kanilang kinabibilangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.