Outbound passengers sa mga pantalan, nasa higit 2,700

Tinututukan na ng Philippine Coast Guard ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2021.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 2,763 na outbound passengers sa mga pantalan habang 2,291 inbound passengers.

Ito ay mula 12:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng umaga, araw ng Lunes (March 29).

Nasa 1,931 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 50 ang inspected vessels at 31 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read more...