Bigtime oil price rollback, ipatutupad bukas (March 30)

By Angellic Jordan March 29, 2021 - 02:02 PM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng malakihang bawas-presyo sa ilang produktong petrolyo.

Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Seaoil, Shell at Total, may tapyas na P1.30 sa kada litro ng diesel habang P1.20 naman ang kaltas sa presyo ng gasolina.

Sa kerosene, P1.40 ang bawas sa bawat litro sa Shell at Seaoil habang P1.35 sa Caltex

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Shell, Seaoil at Total bandang 6:00, Martes ng umaga (March 30).

Dakong 8:01, Martes ng umaga naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Mauuna namang ipatupad ang oil price rollback sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, diesel price watch, gasoline price watch, Inquirer News, kerosene price watch, oil price adjustment, oil price rollback, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news, BUsiness, diesel price watch, gasoline price watch, Inquirer News, kerosene price watch, oil price adjustment, oil price rollback, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.