GSIS isinara ang mga opisina na nasa loob ng NCR Plus bubble
Inanunsiyo ng Government Service Insurance System (GSIS) ang pansamantalang pagsasara ng kanilang mga opisina sa mga lugar na nakapaloob sa NCR Plus bubble simula ngayon araw.
Sa inilabas na abiso ng ahensiya, ang mga apektado nilang tanggapan ay ang GSIS Head Office in Pasay City at kanilang mga sangay sa Mindanao Avenue, Quezon City, Malolos, Bulacan, at Pagsanjan, Laguna.
Ang pansamantalang pagsasara ay hanggang sa Abril 4.
Ang mga pensioner ng GSIS ay maaring magpa-schedule ng kanilang Annual Pensioners Information Revalidation o APIR sa pamamagitan ng email o text message.
Samantala, ang Social Security System (SSS) naman ay sina na hindi tatanggap ng walk-in transactions sa kanilang mga opisina sa Metro Manila. Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan mula ngayon araw hanggang sa April 4.
Hinihikayat nila ang kanilang mga miyembro na gamitin ang SSS online at mobile service channels.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.