Ayon sa Commission on elections, naitala ang tatlong aberya ng VCM sa Hong Kong, Dubai at Riyadh.
Gayunman, sinabi ni Comelec Commissioner Arthur Lim, pinuno ng Comelec Office for Overseas Voting na kasalukuyan nang inaasikaso ng poll body ang pagpapapalit sa nagkaproblemang VCM.
Ang mga ‘nag-malfunction’ na VCM aniya ay ibabalik sa Maynila at papalitan ng bagong makina.
Upang hindi aniya magkaroon ng delay sa pagboto ng mga absentee voters, kanilang pinahintulutan makaboto muna ang mga ito sa kalapit na mga voting precincts hangga’t hindi napapalitan ang mga nagka-problemang VCM.
Sa kabila ng aberya sa tatlong makina, iginiit ni Lim na walang ‘major glitches’ sa pagboto ng mga OAV sa mga panahong ito.
Sa pinakahuling tala, nasa 1.38 milyon ang mga rehistradong overseas absentee voters para sa May 2016 elections.