3 VCM na gamit sa overseas absentee voting, nagka-aberya

By Jay Dones April 11, 2016 - 04:48 AM

 

pcos-0309Tatlong vote counting machine (VCM) ang nagkaaberya sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa ibayong dagat kung saan ginaganap ang overseas absentee voting para sa mga Pilipinong nasa abroad.

Ayon sa Commission on elections, naitala ang tatlong aberya ng VCM sa Hong Kong, Dubai at Riyadh.

Gayunman, sinabi ni Comelec Commissioner Arthur Lim, pinuno ng Comelec Office for Overseas Voting na kasalukuyan nang inaasikaso ng poll body ang pagpapapalit sa nagkaproblemang VCM.

Ang mga ‘nag-malfunction’ na VCM aniya ay ibabalik sa Maynila at papalitan ng bagong makina.

Upang hindi aniya magkaroon ng delay sa pagboto ng mga absentee voters, kanilang pinahintulutan makaboto muna ang mga ito sa kalapit na mga voting precincts hangga’t hindi napapalitan ang mga nagka-problemang VCM.

Sa kabila ng aberya sa tatlong makina, iginiit ni Lim na walang ‘major glitches’ sa pagboto ng mga OAV sa mga panahong ito.

Sa pinakahuling tala, nasa 1.38 milyon ang mga rehistradong overseas absentee voters para sa May 2016 elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.