Mayors wala pang paliwanag sa DILG sa maagang pagpapabakuna

By Jan Escosio March 29, 2021 - 10:39 AM

PHOTO GRAB / ALFRED ROMUALDEZ FACEBOOK

Nabigo ang mga mayor na maabot ang deadline sa pagpapaliwanag nila kaugnay sa maaga nilang pagpapabakuna.

Ito ang sinabi ni DILG officer-in-charge Bernardo Florece Jr., dahil aniya Miyerkules nang padalhan nila ng show-cause orders ang mga alkalde at binigyan ng tatlong araw para sumagot.

Kabilang sa mga pinagpaliwanag sina Alfred Romualdez ng Tacloban City, Leyte; Dibu Tuan ng T’boli, South Cotabato; Sulpicio Villalobos ng Sto Niño, South Cotabato, Noel Rosal ng Legazpi City, Albay, at Abraham Ibba ng Bataraza, Palawan.

Sa kautusan, dapat maipaliwanag ng mga alkalde ang kanilang pagpapabakuna gayung ang nasa priority list ay ang medical frontliners muna at upang hindi sila masampahan ng mga kinauukulang kaso.

Limitado pa ang suplay ng bakuna sa bansa at ang mg ito ay para muna sa health frontline workers at medical staff.

Mauuna pa din ang mga senior citizen sa mga lokal na opisyal sa listahan ng mga dapat bakunahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.