Global rice output, tataas pa kahit may El Niño

 

Inquirer file photo

Sa kabila ng umiiral na El Niño phenomenon, inaasahan pa rin ang pagtaas ng global output ng bigas ngayong 2013 ng 1 percent, dahil na rin sa inaasahang pag-recover ng Pilipinas at ng iba pang rice-growing countries.

Ayon sa pinakahuling market report ng Agricultural Market Information System (AMIS) na isang United Nations-supervised monitoring system, ang produksyon ng bigas ay nasa 495 million tons na.

Bukod sa Pilipinas, nakikitaan rin ng pag-bawi sa output ng bigas ang India, Thailand at United States.

Nakasaad pa sa AMIS na patuloy na nakakabahala ang idinudulot ng El Niño sa Southeast Asia lalo na sa Thailand, pero dahil humihina na ito, inaasahang pagdating ng Hunyo ay tuluyan na itong mawala at bumalik na sa neutral condition ang panahon.

Base sa mga ahensya ng United Nations, nasa 60 milyong katao na ang apektado ng El Niño, at ang epekto nito sa food security ay inaasahang tatagal pa hanggang 2017.

Bumaba na ng 1.7 percent sa 44.1 million tons ang pegged trade volume ngayon mula sa dating 44.9 million noong nagdaang taon.

Noong nakaraang linggo, tiniyak ni National Food Authority administrator Renan B. Dalisay na hindi pa naman nangangailangan ng panibagong importation ng bigas dahil sapat pa naman ang national inventory ng bigas sa bansa.

Wala pa rin naman aniyang desisyon kung kakailanganin na ng importation sa mga susunod na buwan lalo na sa July kung kailan mas mahina ang produksyon ng bigas.

Ang pinakahuling binili ng NFA ay may kabuuang 750,000 tons na mula sa Vietnam at Thailand.

Read more...