Calauan Mayor Antonio Sanchez sumailalim sa post-mortem swab test

By Jan Escosio March 29, 2021 - 09:15 AM

Hindi pa ma-awtopsiya ng NBI ang namayapang dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez dahil hinihintay pa ang resulta ng kanyang post-mortem swab test.

Ayon kay Bucor spokesperson Gabriel Chaclag kapag nag-negatibo sa COVID 19 si Sanchez agad na isasagawa ang autopsy.

Ngunit kung positibo, agad ike-cremate ang mga labi ng dating alkalde, na ngayon ay nasa pag-iingat na ng kanyang naulilang pamilya.

Idineklarang dead on arrival si Sanchez sa NBP Hospital noong Sabado ng umaga matapos matagpuan ng kanyang mga kakosa na walang malay sa loob ng kanyang selda.

Huling nakita siyang buhay gabi ng Biyernes habang inaayos ang kanyang higaan.

Sinabi pa ni Chaclag na walang senyales ng foul play sa pagkamatay ni Sanchez, na may chronic kidney disease, hypertension, gastro enteritis, prostate issue at asthma.

Nahatulan si Sanchez ng habambuhay ng pagkabilanggo matapos litisin sa kasong rape with homicide kaugnay sa pagpatay kina UP Lo Banos students Eileen Sarmenta at boyfriend nitong si  Allan Gomez noong 1993.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.