VP Leni Robredo: Bigyan ng cash assistance ang mga mahihirap sa ECQ areas

By Jan Escosio March 29, 2021 - 09:09 AM

Hiniling ni Vice President Leni Robredo sa gobyerno na mamahagi ng cash assistance  sa mga mahihirap na pamilya sa mga lugar na umiiral muli ang enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Robredo na posible na wala naman naitabing pera ang mga mahihirap na pamilya at maari din na wala silang mapapagkunan dahil muling ipinatutupad ang pinaka-istriktong quarantine protocols.

“Kailangan may ayuda dun sa mga walang tira. Gusto kong sabihin kapag hindi magtrabaho ay walang kakainin iyong pamilya,” sabi nito at dagdag pa nito, ““sana iyong ayuda ay ngayon ibigay na habang naka-lockdown para hindi nagpupumilit iyong mga tao lumabas para maghanapbuhay. Pero ang sabi magkakaroon daw. Sana sa lalong madaling panahon.”

Una na rin tiniyak ng Malakanyang na mamamahagi ng cash aid sa mga hindi makakapag-trabaho dahi sa pagbabalik sa ECQ sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Batangas.

Kasama sa mga mabibigyan ay ang mga nakatanggap ng dalawang ulit sa social amelioration program (SAP).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.