Paghahain ng pleadings at iba pang dokumento sa korte ngayong ECQ pinalawig ng Supreme Court
Pinalawig ng tatlong araw ng Supreme Court ang deadline sa paghahain ng pleadings at iba pang dokumento sa korte sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.
Base sa nilagdaang Administrative Circular ni acting Chief Justice Estela Perlas-Bernabe, ang mga pleadings at mga court submissions na papatak ng March 29, 2021 hanggang March 31, 2021 ay palalawigin ng tatlong araw mula April 5, 2021.
Gayunman, kapag urgent matters ang ihahaing pleadings o anumang dokumento sa korte ay maari itong isumite pero dapat ay makipag-ugnayan muna sa husgado na may hurisdiksyon dito.
Ang mga pagbasa ng hatol sa mga civil case, paghahain ng summons, pagkakasal na hindi naman urgent na papatak sa mga nabanggit na petsa ay suspendido muna at kailangang i-reschedule ng korte.
Kabilang sa mga lugar na sakop ng administrative circular ang Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.