Magnitude 6.6 na lindol, tumama sa Afghanistan

 

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang hilagang-silangang bahagi ng Afghanistan na naramdaman rin sa ilang bahagi sa Pakistan at India.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), may lalim na 210 kilometers ang lindol na yumanig sa basna Linggo ng hapon sa 282 km ng Kabul.

Wala namang naitalang mga nasaktan o napinsala dahil sa naramdamang lindol, pero dahil naramdaman rin ito sa Islamabad, Pakistan, inilikas ang ilang mga residente nang maalog nito ang kisame ng kanilang mga tinitirhang apartment.

Bahagyang gumewang-gewang naman ang ilang gusali sa New Delhi sa India at itinigil sandali ang operasyon ng tren dahil sa pagyanig.

Read more...