Impeachment complaint laban kay SC Justice Leonen inendorso na sa Committee on Rules ng Kamara

By Erwin Aguilon March 28, 2021 - 10:20 AM

Inendorso na ni House Speaker Lord Allan Velasco sa House Committee on Rules ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Sa isang pahinang liham ni Velasco na may petsang March 25, 2021, ipinapasa nito sa sa “order of business” ang impeachment complaint laban.

Inihain ang reklamo noong December 2020, ng grupong Filipino League of Advocates for Good Government sa pangunguna ng Secretary General nito na si Edwin Cordevilla.

Ang nasabing reklamo ay inendorso sa Kamara ni Ilocos Norte Rep. Angelo Barba, na pinsan ni dating Senator Bongbong Marcos.

Ang impeachment complaint ay nag-ugat sa sinasabing kabiguan ni Leonen na maghain ng kanyang SALN, at delay o pagkaantala sa mga resolusyon na nasa kanyang dibisyon.

Sa ilalim ng rules ng Kamara hindi maaring tanggapin ang isang reklamong impeachment kung walang kongresista na  mag-i-endorso rito.

Kailangang dahil sa tanggapan ng house speaker ang reklamo para mapag-aralan bago niya i-endorso sa Committee on Rules para maisama sa agenda sa sesyon.

Simula bukas, araw ng Lunes ay naka break ang sesyon ng Kongreso para sa Semana Santa at muling magbabalik sa May 17, 2021.

TAGS: Impeachment complaint, justice marvic leonen, Kamara, speaker velasco, Supreme Court, Impeachment complaint, justice marvic leonen, Kamara, speaker velasco, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.