Buong bansa apektado ng easterlies ayon sa PAGASA

DOST PAGASA Facebook photo

Easterlies ang nakaka apekto sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, magdudulot ito ng maalinsangang panahon pagdating ng tanghali.

Asahan na rin sabi weather bureau, unti-unting pagtaas ng temperatura.

Magiging maaliwalas naman ang papawirin sa malaking bahagi ng  Luzon at Visayas.

Dahil dito, mababa ang tsansa na magkaroon ng pag-ulan ngayong araw.

May mga bahagya namang kaulapan sa bahagi ng Mindanao pero hindi ito magdudulot ng malawakang pag-ulan sa rehiyon.

Wala namang nakikitang papasok na masamang panahon sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw, sabi ng weather bureau.

Ang araw ay sumikat 5:56 ng umaga at inaasahang lulubong 6:08 mamayang gabi.

.

Read more...