LGBT pinuri si Pacquiao, pero may banat pa rin sa pambansang kamao

By Inquirer.net, Jay Dones April 11, 2016 - 03:09 AM

 

Rem Zamora/Inquirer

Proud rin ang isang grupo ng mga LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender) sa pinakahuling tagumpay ni Rep. Manny Pacquiao na tinalo si Timothy Bradley sa huli at ikatlo nilang paghaharap sa ring kahapon.

Ito’y sa kabila ng naging kontrobersyal na pahayag ni Pacquiao kamakailan na ikinagalit ng ng mga LGBT sa isyu ng pakikipagtalik sa kapwa kasarian.

Ayon kay Evan Tan, ng Philippine LGBT Chamber of Commerce, karapat-dapat na bigyan ng pagkilala si Pacquiao dahil sa pinakahuli nitong achievement bilang isang sportsman.

Gayunman, dapat aniya ay ipagpatuloy na lamang ni Pacquiao ang pagtutok sa kanyang talento sa larangan ng palakasan at ipaubaya na lamang sa mga eksperto ang paggawa ng mga batas .

Giit pa ng grupo, ang dapat mahalal sa puwesto ay ang mga taong rumerespeto sa karapatan ng bawat sektor ng lipunan.

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ni Pacquiao at mga miyembro ng LGBT nang masabi ni Pacquiao sa isang panayam na ‘masahol pa sa hayop’ ang pakikipagtalik sa kaparehong kasarian.

Bagama’t umani ng batikos ang kanyang komento, hindi naman nagpatinag si Pacquiao sa kanyang paniniwala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.