9,595 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Pilipinas

Aabot sa 9,595 na bagong kaso ng Covid 19 ang naitala sa Pilipinas.

Sa pinakahuling talaan ng Department of Health, aabot na sa 712, 442 ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa naturang sakit.

Sa naturang talaan, 118, 112 ang active cases kung saan 95.1 percent ang mild, 3.2 percent ang asymptomatic, 0.7 percent ang critical, 0.7 percent ang severe at 0.39 percent ang moderate.

Aabot naman sa 481 ang nakarekober habang 10 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuan, 581,161 ang gumaling at 13, 159 ang nasawi.

Read more...