Nilagdaan n ani Manila Mayor Isko Moreno ang Ordinance Number 8739 na maglalaan ng P1.427 bilyong pondo para sa Food Security Program ng lungsod.
Layunin ng ordinansa na matustusan ang gastusin ng lungsod sa pagresponde sa pandemya sa COVID-19 pati na ang pamamahagi ng food boxes.
“Pangarap natin na walang magutom sa Maynila,” pahayag ni Mayor Isko.
Sa ngayon, naipamahagi na sa anim na distrito ng Maynila ang food boxes na pang-ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng COVID-19.
“We are now preparing for the month of April,” pahayag ni Mayor Isko.
Inilunsad ang FSP noong Pebrero kung saan binibigyan ang 700,000 na pamilya ng food boxes na may laman na tatlong kilo ng bigas, 16 na piraso ng de lata at walongs achets ng kape.
Matutustusan ng ordinansa ang pondo para sa food boxes sa buwan ng Mayo, Hunyo at Hulyo.
“Nahanapan po namin ng pera. Hindi man po ito solusyon ng pangkalahatan, pero ang layunin namin ay maibsan man lang ang inyong buwanang gastusin. Pipilitin namin na maitawid ang ating mga kababayan,” pahayag ni Mayor Isko.